Aksyon na! Para sa Climate Change

 ANG GANDA NG DAIGDIG Nagsimula na ang bukang liwayway at pinapatay na unti-unti ang gabing nagdaan.

Nagsisimula na din na sumilip ang haring araw at nagbigay na ng liwanag sa ating paligid. 

Ako’y lumagok ng tubig ,nagtimpla ng mainit na kape sabay halo dito.Sa pagsamyo ng bango nito ay dahan dahan kong pinagmasdan ang ganda ng mundo, naaaliw din ako sa huni ng mga ibon, at patuloy ang pagkahumaling sa luntian na kapaligiran na sinasabayan ng pinagsamang kahel at bughaw na kulay ng kalangitan. ramdam ko ang mga biyaya at pagpapala na sa atin ng maykapal. Patunay na inabot ko pa ang ganda ng daigdig. 

PAGMUMUNI

Bigla akong napaisip,ano kaya kung ang mga ito’y mawawala na? Paano kaya kung matuyot na ang mga karagatan? Patuloy na mawala ang ganda ng mga berdeng kapaligiran? patuloy na maubos ang mga naggagandahang mga hayop? Paano na?Paano kung magpatuloy ang mga sakit? Ang panghihina ng kalusugan sa sanlibutan? Nagsisimula ng matunaw ang mga tumpok ng yebe ng daigdig, maging ang mga pamumuhay ng mga hayop at halaman at nag-iiba iba na din. NAG SIMULA NA ANG CLIMATE CHANGE! ANG GLOBAL WARMING. 

[1]Ang global warming ang pagtindi ng init ng temperatura ng mundo kaysa karaniwan dahil sa mga aktibidad na kagagawan ng tao (anthropogenic), tulad ng pagdami ng pagbuga (emission) ng greenhouse gas (GHG) o yaong nakakulob na init sa mundo.

Ano ang greenhouse gas? Alamin muna natin kung ano ang greenhouse. Sa malalamig na bansa, may tinatawag silang greenhouse, isang istruktura ito kung saan nakatanim ang mga halamang nangangailangan ng init upang tumubo. Palibhasa, malamig ang lugar nila kaya di basta tutubo ang halaman. aya kinakailangan ng isang kulob na lugar, tulad ng greenhouse, para doon palakihin ang mga halaman, na pinapainitan nila upang lumago. Kumbaga, imbes na araw, artipisyal na init ang pinagagana nila rito. Ito ang greenhouse. Itinayo ito upang protektahan ang halaman sa tindi ng lamig o init, sa ipuipong alikabok (dust storms) at niyebe, at mailayo sa peste. Dapat tama ang timpla ng temperatura ng init, dahil pag sumobra ang init, tiyak na masisira ang mga halaman. Dito kinuha ang salitang greenhouse effect. Itinulad ang buong mundo sa greenhouse at ang init ng araw ang batayan ng greenhouse effect.
PANAWAGAN

Ako’y nanawagan sa lahat ng mamamayan na magkaisa at ipakita ang pagmamahal sa kalikasan na ating tahanan o tinatawag na “common home” . Kaya ba nating tangaping lahat ng ito’y problema nating lahat? Walang mga pantas, scientist,aldub, mga sikat na artista, sangay ng gobyerno ang makakapagresolba ng problema ito. Sama-sama tayo! kawaing-kawing tayo sa pagsulba. Ika nga sa English “We got here because of our lifestyle. So our lifestyle has to change.”

May kasabihan nga tayo na ang basurang itinapon mo ay sya din babalik sa iyo. Simulan natin baguhin ang ating pamumuhay sa paglalagay ng tinatawag na ilang adjustment sa mga nakasanayan na.  
Una, Sa paggamit ng mga sasakyan, kung hindi naman kalayuan ang mga pupuntahan maari na itong lakadin or gumamit ng bisekleta ng sa ganun ay hindi na kailangan gumamit ng sasakyan at mag aksaya ng gasolina,wala na ding mag labas ng enerhiya at usok ng sasakyan na syang nagcocontribute sa climate change. 
Pangalawa, sa paggamit ng kuryente, iunplug ang mga saksakan ng kuryente at mga charger Kung hindi naman ginagamit, paaaring gumamit ng mga technolohiya para sa pag monitor ng pagamit ng kuryente. 
Pangatlo,kung hindi naman kailangan ng mga gamit at wag ng bibilhin ng sa ganun makatulong tayo sa pagsugpo ng mga nagkalat ng basura. 
Maraming pang mga hakbang at mga inisyatibo ang maari nating magawa. Kayo? Anong mga Hakbang ninyo? Ano ang magagawa natin para sa pagpigil at pagsugpo ng CLIMATE CHANGE?
 Ang climate change na ito ay tayo ang may gawa, kaya tayo ang gagawa ng solusyon. Hustisya sa Kilma, Ngayon! Tara na!

Credits

[1]https://climatejusticeday.wordpress.com/category/essayshort-story/

https://mericmara.wordpress.com/

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: