Pag nalaos na ang Pera

Kamusta ang Pasko nyo? Nais ko lang magbahagi ng isang tula. 😊

Pamagat: Pag nalaos na ang Pera
May Akda: Meric B. Mara

Pag nalaos na ang pera
Gahaman ay mawawala
Mga politikong kurap ay tila manghihina
Mga duhagi ay di na makikita
Wala ng mahirap at mayaman

Pangangamkam ay masusolusyunan
Pantay-pantay sa kahit anong larangan
Payak na ang sanlibutan
Wala ng abuloy at wala ng lagay

Maging ang mga bisyo’y mamatay
Simple ang sasalamin sa buhay
Parang mahika sa tagumpay
Wala ng away at gulo

Magiging payapa na ang mundo
Mga haliparot ay manlulumo
Wala na ding magkakanulo

Panaghoy ay tiyak na ang pagtahan
Ngiti ang kapalit na libangan
Sa patas na pamayanan
Sunong-sunong ay kasiyahan

(Yan ay pag nalaos na ang pera. Teka makabangon na nga, makapaginat-inat at magising na sa panaginip na ito.) Magandang Umaga!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: