Paalam Arturo

Naala ko pa noong mga High School kami, nilalakad ko lang mula Manggahan papuntang Constellation Homes, Novaliches, Caloocan mga 3 kilometro din ang layo.
Mahilig kasi akong maglakad lakad noon sa mga lansangan. Nagtutuklas ng mga lugar at ang sarap ng pakiramdam pag madami kang nakikita. Sa Constellation Homes kasi nakatira si Arturo noon, Kaklase ko noong High School. Minsan nakikita ko pa sya dun at nakakapagkwentuhan ng kaunti bago ako mag lakad lakad ulit papuntang Neopolitan.

Ngayon 39 years old na ako. Matagal na din kaming hindi nagkikita ni Arturo maliban sa ilang mga reunion ng Batch namin at noong bumisita sya sa amin last year
para gumawa ng isang kolaborasyon para sa proyektong nais nyang gawin sa mga Pharmaceuticals. Sabi namin, this year namin ieexcecute yung proyekto.

PAALAM ARTURO

Nakakagulat na balita na malaman na Wala na si Arturo. Umuulan ng mga mensahe sa kanyang FB wall noong April 29 patungkol sa kanyang pag-yao. https://www.facebook.com/bong.tansioco?fref=ts 

    
 Napaisip tuloy ako bigla patungkol sa Batch namin, Panahon na ba natin? Nais pa naming gumawa ng kabuluhan. Nakakatuwa maalala itong si Bong o Arturo na isa sa mga batch namin na natatangi, Matapang, Mahinahon at talagang gumawa ng kumpanya nya at tunay na nakakatulong din sa mga marami. Hindi lahat kaya yon! At least masaya akong malaman na may kaklase akong nagsusulong at tumutulong mag angat ng ekonomiya para sa bansang ito.

Ngayon, Wala na si Bong. Nais kong mag-alay lang panalangain.

Mahal na Ama
Dingin ang aming taimtim na panalagin
Kapayapaan para sa kaluluwa ng aming kaibigan
Kalugdan mo po ang kanyang kaluluwa
At papasukin sa inyong kaharian
Sa kanyang Pamilya at mga naiwan
Nawa’y gawaran din ng kapayapaan
Sa kanilang pag-ibig na wagas
Baunin sana ng ating kaibigan
Ang hiram na buhay
Ay naging tunay na makulay
Sa pagiging halimbawa sa karamihan
Gawaran ng tunay na katahimikan

Amen!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: