Sistemang Tapikan

Madalas sa buhay natin ay nakikita natin ang ating kagalingan, husay sa paggawa at proud na proud pa tayo minsan sa ating mga sarili. Madalas din pag napagsasabihan tayo mas nauuna ang ating mga pakiramdam na nagagalit tayo, o pakiramdam natin ay hindi tayo mahalaga. Nandyan na minsan ay nagrerebelde pa tayo o magmumukmok. Kasi nga hindi natin alam ng lubusan bakit tayo nagsasama-sama. Ang sakit sa ulo nun! Para kang may kasamang pwede mong tawagin na HINDI kasama. Mapapa LECHE ka talaga!

Madalas din wala tayong pakialam sa ibang gawain ng ating mga kasama. ‘Yan yung mga ugali na syang naghahatak sa atin pababa. Isang sakit ng mga Pilipino ang hindi nya alamin yung parte nya sa kabuuan. Nagdadala ito ng stress sa ibang tao ng hindi natin namamalayan na nagiging sanhi ng pagkabalisa.

Sa usaping paggawa, kung malalaman lang ng bawat indibidwal na parte sya ng kabuuan o mas malaki ang kabuuan sa kanya at alam nya kung ano ang iniexpect sa kanya ng kabuuan, malamang magiging matiwasay ang buhay. MALAYONG MALAKI SA ATIN ang ISANG KABUUAN!

Mga magagandang itanong sa sarili?

1.Gusto ko ba ang ginagawa ko?
2.Alam ko bang parte ako ng kabuuan?
3.Kilala ko ba ang mga kasama ko at ano ang kanilang mga partisiasyon sa kabuuan?
4.Tinatapik ko ba ang mga kasama ko na hindi nakakaunawa ng kabuuan?
5.Sabay sabay ba namin ginagawa ang mga bagay na inilaan sa amin? O sila lang yung gumagawa at ako’y nageenjoy lamang?
6.Nagagamit ba yung aking mga ginagawa o naniniwala lang akong magaling ako?
7.Kaibigan ko ba yung kasama ko sa paggawa na tatapikin ako pag mali ako? O hahayaan lang ako?
8.tatapikin ko ba yung kasama ko pag mali na yung kanyang ginagawa o magkikibit balikat ako at bahala ng masira ang kabuuan?

Sa ating mga sagot ay madali nating matutuklasan kung anong uri o klase tayo parte ng kabuuan. Maaring isa ka sa mga sumusunod.

1.Walang pakialam
2.Nanggagamit lang or nakikisawsaw lang sa hirap ng iba (parasite ika nga)
3.Parte ka ng kabuuan

Ang sarap namnamin at isipin na sabay sabay nating ginagawa ang mga bagay bagay at sabay sabay nating natatamasa ang mga hirap at tyaga na ating pinunla bilang isang buo para sa pamayanan.

Kung lubos lang natin na maiisip ang kadahilanan at halaga ng buhay ay maging parte ng isang kabuuan at hindi ang mga sariling interest lamang dun at sun magsisimula ang ating mga saysay.

IKAW? naging parte ka na ba ng Kabuuan na nagbibigay ng saysay? Sa pag namnan ng tunay na Diwa ng Kabuuan, Tapikan lang yan. 😊

Paalala: Hindi lahat ng mga tinatapik ay makakaunawa. Umiwas sa mga ganung tao at ipagbigay alam sa batas. Ipatapon o wag isali sa kabuuan at tiyak na bulok lang ang mga iyan.
Mahirap masama sa grupo ng mga bulok.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: