About

Tula. Para sa akin ito ang aking kakampi at sandata sa daloy ng buhay. Kasama sa panahong ako’y masaya, malungkot, nag ngingit-ngit at nagmamatyag sa mga kaganapan habang bumabaybay sa lupang ito.

Hindi ko makakalimutan noong akoy nasa paaralan at musmos na paslit pa lamang. madami dami na din ang aking mga naisulat na tula,maiksing kwento at mga sanay-say. Sa sobrang dami hindi ko na matandaan yung iba. Naroong ang iba ay nawala na,ang iba naman ay binaha sa aming munting tahanan sa kasagsagan ng ulan.  Nabura na ang mga tinta,lumabo at di na mabasa,nalimutan na ang mga ito kasabay ng aking pagtanda na tila nalipasan na ang ilang parte ng nagdaan ng aking  kamusmusan.  Kung mayroong nananatili ay mga letra sa aking bumbunan at tila alaala na lamang.

Ilang tema ng tula at mga akda ang aking naihabi. Mga kwento patungkol sa aming kahirapan,ng aking mga magulang at kapatid, mga kalaro at kakaunting  laruan. Nariyan ding hindi palagpasin ang kalikasan at mga kaganapan sa aking mundong ginagalawan.

Marahil sa paglipas ng panahon at sa aking kaabahalan, nalimot na ang mga titik o letra na iginuhit ng aking mga kamay at bunga ng malikot na isipan.  Mangyari’y  sumuong na ako sa  panahon na ikanga’y pagtanda (o sabi nga nila ang tinatawag na “GROWN UP” ), kabi kabilang ang kaabalahan, ang tumuklas sa mga bago para sa tumatawag na pagtawid sa mga pangangailangan sa mundo at doon sa isang aspeto na walang humpay na magpahalaga sa mga taong naniniwala pa sa katinuan at pag-asa.

Ngayon, tatlumput dalawang taon na ako nasa kalagitnaan ng taong 2009-marahil nasa kalagtnaan na din ang aking buhay paglalagi dito,di natin masabi ang modernong panahon,walang nakakaalam. (Eto nga’t.kakayao lang din ang mahal na “lola masyang ko”).

Dahil dito NAIS KONG IBALIK ANG PAGSUSULAT NG MGA TULA.

NAIS KONG SUMULAT. Gagawin ko syang parte ng aking pagiging abala. SUSULAT MULI AKO. Sa tulong ng modernong  teknlohiya  ito’y tutupdin ko, dadalasan na sumulat ng tula at magsipi sa mga obserbasyon ng kasalukuyang panahon at kaganapan. Bigyang buhay ang mga titik at letra na pinamana at pinamalas ng tadhana. Ibalik ang masinsing pag-oobserba sa paligid, lipunan, personalidad at damdamin.

Naniniwala akong hindi pa huli at walang huli sa paghahabi ng kagustuhan. Ang mag-iwan ng ilan para sa iilan ay isang magandang bagay at ikagagalak ng aking  payak na katauhan.

Kaya ngayon, Hunyo 16,2009, dito ko ilalathalata ang aking mga layon, dito sa bagong tahanan sa internet ng aking mga tula at akda na syang magiging halaw sa  balintataw at pananaw ng tagni-tagning parte ng aking pag-katao.

Ako Si Meric B. Mara, Manunula at Ka-Makata ng ilan…

8 comments on “About
  1. abetumil says:

    ayos man, tuloy lang!

    pasyal ka rin sa Alayon sa Banger, may tula minsan. May kung anuano lang din.

  2. mary jane dacumos says:

    wow.. astig naman!

  3. star says:

    ang ganda naman.

  4. mpkd says:

    ok lang bang basahin ang tula mo re cybercrime prevention act sa radyo?
    edge po ito ng dzup 1602 AM radio.

    check us out at http://www.dzup.weebly.com

    or text us at 09272208332 to confirm kung ok lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: